Quantcast
Channel: MOVIE PIXIE DREAM GIRL
Viewing all articles
Browse latest Browse all 40

Ang Siste Eh: Twitter at ang Senado

$
0
0

Muli na naman magbubukas ang Kongreso ng Pilipinas. Ika-16 na Kongreso ng ating republika. Marami na ang pagbabago kumpara sa mga nagdaang panahon. Sinasabi ng nakakarami na tila bumababa ang kalidad ng mga nahahalal lalo na sa Senado. Hindi ko naabutan na manungkulan ang mga pinagpipitaganang pangalan sa Mataas na Kapulungan pero isa lang ang sigurado – hindi nila naabutan ang Twitter. Twitter na marahil ang pinaka-swak na social site para sa mga senador dahil simple lamang at ‘di gaanong mabusisi. Para ka lamang nagpapadala ng SMS. Maaari mong isingit sa napaka-hectic na schedule ng isang senador (kung totoong nagtatrababo ang senador, hectic pero kung hindi naman, bangis ng apog mo). Maaari kang mag-Twitter sa kalagitnaan ng matinding traffic, sa free time, bago mag-session. Oks din lang habang meron session pero i-limit ito sa mga pa-update update lang ukol sa mga nagaganap sa Senado. The point is: sa paglipana ng sandamukal na smartphones, related apps at kasimplehan ng Twitter, kokonti na lamang ang acceptable na palusot kung bakit hindi pa nagsa-sign-up ng account si dear honorable senator.

Meron ng Twitter accounts ang lahat halos ng mga senador sa Pilipinas. Ilan sa kanila ang bihisa sa tamang paggamit nito. ‘Yung tipong ‘di lamang nagpo-post kundi sumasagot din sa mga katanungan at komento ng ibang tao. Ilan din sa kanila ang marunong nang mag-post ng litrato at iba pang uri ng media. Karamihan sa mga senador na “pro” na sa Twitter ay sila mismo ang nagme-maintain ng kanilang accounts. (Ilan dito sina Senators Chiz Escudero, Pia Cayetano at out-going na mambabatas na si Kiko Pangilinan. Daang-libo na ang mga Twitter followers nang tatlo dahil sa kanilang pagiging aktibo sa Twitter.) Meron kasing mga pagkakataon na halatang staff nila ang nagpo-post. Wala naman masama dito lalo na kung merong pasubali na hindi sa lahat ng pagkakataon sila ang gumagamit nito. Halimbawa na lamang sina Senators Franklin Drilon at Miriam Defensor Santiago na sa simula pa lamang pinaalalahanan na ang publiko na hinahawakan rin ng mga staff ang kani-kanilang Twitter accounts. Kumbaga meron silang disclosure. Importante ito at masasabing sumusunod sila sa social media ethics. Iba naman ang sa kaso ni Senator Antonio Trillanes IV na sa isang panayam, nabanggit nito na ‘di man siya ang kadalasang nagpo-post, aprubado naman nito lahat ng updates. Iprimatur kung imprimatur. Pasok na rin ‘tong istilo ni Trillanes pero kung ako ang tatanungin mas mainam na paminsan-minsan subukan nitong hawakan mismo at mag-update ng light stuff. No need to be too serious, after all it is just 140 characters.
6 out of 6 naman sa anim na mga bagong halal na non-reelecionist senators ang meron Twitter. Kahit  na campaign period na mismo sila nag-set-up ng account, ang mahalaga meron sila at updated pa. (Naging matumal ang pag-post nila matapos manalo so sana lang manumbalik ang kanilang sigla sa muling pagbubukas ng Kongreso.) Teka…pati si Nan… Oo. Pati si Nancy Binay meron. Sa simula ng campaign period, aktibo ang masasabing punching bag ng Filipino netizens. Marunong pa nga ito umi-scoop. Nang magkita ang ama nito at si Senator Chiz bago i-announce ang formal adoption ng senador sa UNA, nag-post ito ng litrato ng kanilang pag-uusap. (Ilang linggo ito bago ang naganap na laglagan ng mga guest candidates.) Subalit kapuna-puna na nang magsimulang lumakas ang on-line batikos sa anak ng Bise Presidente, naging anemic ang Twitter performance nito.
Kabaliktaran naman ito kina Grace Poe, Sonny Angara at Bam Aquino na habang lumalakas ang hatak sa mga botante lalong tumitikada sa Twitter. Malamang naman mas gaganahan ka kapag maganda ang reception sa kandidatura mo. (Hindi lahat ng tao meron Reggie Miller Gene na mas ginaganahan ‘pag binu-boo ng audience.) Liban pa dito, mataas ang positive sentiments ng tatlong kasapi ng TEAM PNOY. (Sa kaso ni Grace, single digit lamang ang naitalang negative on-line sentiment  ng dating Censors Chief.) Kumpara sa kabilang kampo, mas ma-appeal ang mga nasa koponan ng Pangulo sa mundo ng on-line. Ito marahil ang dahilan kung bakit ‘di makaabante si JV Ejercito sa diskurso ng Twitter kahit masasabing aktibo at batikan ito sa nasabing micro-blogging site. Minsan pumapatol din ang dating kongresista. ‘Di naman ito masama pero ‘di rin dapat ito madalas dahil maliban sa turn-off ito, magnet pa sa mga trolls. Practice patol moderation and do not be a Mitos.
Hindi lamang pangangailangan ang dahilan kung bakit mabilis naka-adapt sa Twitter ang karamihan sa mga senador – malaking factor din ang edad. Nasa 30′s and 40′s ang edad ng karamihan sa kanila. Generation X represent kumbaga. Kahit na lumagpas sila ng konti sa cut-off ng Generation Y (kung saan ehem kabilang ako) na sinasabi ng mga eksperto na totoong on-line generation meron naman silang mga anak at staff members na masasabing influencers nila. Magiging permanent fixture na ng political campaign and politics in general ang social media. Meron na kasing market dito. Tsaka mga ‘tol mas mura at minsan pa nga libre pa kumpara sa magastos na campaign sorties. Malaking katanungan na lamang kung gaano kalakas ang hatak nito. Meron nagsasabing malakas at meron naman na hindi. Para sa akin, simple lang, one needs to integrate social media with traditional forms of campaign. Ot should npt be the focus considering Internet penetration in the Philippines is still not as high compared to other countries. Sabi nila dapat mala-Obama na na-transform ang on-line presence into real grassroots movement. Uhm, once-in-a-generation candidate si Barack at kinakailangan mong i-replicate ang atmosphere ng Estados Unidos noong 2008 para gumana ito sa Pilipinas. Iba ang kultura natin at iba ang kultura nila. Iba ang karanasan natin at iba ang karanasan nila. Nagsisimula pa lamang ang social media politics sa Pilipinas at mahaba ang tatahakin nito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 40

Trending Articles